AMNESIA
8:18 AM |

Isang Napaka WEIRD na pangyayari
ang naranasan ko limang pitong oras ang nakaraan.

Nasubukan mo na bang magising pagkatapos ng isang mahabang panaginip, ung panaginip na tila totoo, at ng pagkagising mo, para bang wala ka talagang alam kung anung nangyayari sayo??

Hindi man kayo maniwala ngunit para sa ilang segundo ng ako ay nagising kaninang mga bandang alas-singko ng hapon, ay hindi ko talaga alam kung SINO AKO. Hindi naman ako dumating s punto na tiananong ko kung anung pangalan ko at lahat, ngunit mga sampung minuto ang nakalipas para maalala ko ang mga kasulukuyang nangyayari. EWAN KO kung ano ang nangyari sa akin.

Pagkagising ko, napatunganga lang ako sa pintuan ng aking silid, gamit ang buong lakas na meron sa akin ng oras na iyon, inaalala ko kung nasan ako, ano ng ang nagyayari, at ano a ang aking gagawin.

Napalingon sa kalendaryo na nakasabit sa dingding malapit sa aking cabinet, at doon nga nakita sa kalendaryo kong Chinese, na kasalukuyang Mayo na.

Pagkatapos masdan ang aking kwarto, para bang, may nag-inject sa utak ko, na narito ako sa Maynila, isang estudyante at nag-aaral sa UP manila, nagssummer class.

Nang naalala ko ito, iniisip ko agad kung ano ang mga subject na papasukan ko ngayon., at biglang bumilis ang mga pangyayari., dagli akong tumayo at inabot ang aking cellphone.

5:30 na!!

Kailangan ko ng mag-ayos para sa school!

...Teka! ang liwanag ah. gising na kaya ang iba?

naglalakad ako pababa sa dining ng.. sa hindi ko maipaliwanag na paraan.,

BUMALIK AKO SA KATINUAN...


at hanggang sa ngayon hini parin ako makapaniwala na naranasan ko ang MOMENTARY AMNESIA.

weird talaga?!

pero paano kaya pag natuluyan ako??

haha =))

haaaayyy.. wag naman sana..

kawawa kayo.
*wink!

Labels: ,