- to explore and analyze imaginative literature in the various forms and discover the elements of artistry that characterize each literary genre.
- to examine representatives world views in literary texts and encourage students to expand their own perspectives especially in light of Philippines realities.
Specific Objectives:
- Integrative study of elements of each literary genre and the content of the literary form
- Discussion of literary and aesthetic values and how these are imbricated in moral, economic, social, political and cultural values
- Analysis of theme centering on numerous issues of subject formation by focusing on the discourse of literary representation
Ayan, binasa mo ba ang mga layunin na iyon?
Dapat hindi mo na binasa
dahil sa katotohanan ay ito lamang yun
"magbasa ka!
At intindihin mong mabuti at ng malaliman ang lahat ng binabasa mo."
Hindi pa ako tapos sa kursong ito.
Meron pang nalalabing humigit kumulang na tatlong linggo.
Ngunit sa nakikita ko ngayon ito ang nais iparating sa akin ng HUMANITIES 1.
Simula ng mattangap ko ang mahigit sa isang ream na babasahin, ito ang kasalukuyang ibinubugbog sa araw-araw kong pamumuhay ngayon.
ang pagbabasa.
Tinignan ko nga naman ang aking nakaraan at madami akong naalala na siyang nagpapatunay ng kahalagahan ng pagbabasa.
Ang aking nanay na sumisigaw bawat oras na kami ay nasa bahay at walang ginagawang takdang-aralin o gawaing bahay
"You READ!!! It's better than watching cartoons or playing!"
"eh it's boring naman kasi!!"
"Ay naku! You READ kitdi!"
At kaya naman, sa gulang na siyam, nabasa ko na ang buong set ng Childcraft Encylopedia na siyang dinala ng impostor na Santa Claus (hinire ng aking mommy at daddy nung araw) sa aming bahay nun.
Pati ang Groiler Encyclopedia, ngunit dahil sa murang kaisipan, hindi lahat yun ay nabasa ko ang mga pahina lamang kung saan nakinitaan ko ng magaganda at matitingkad na mga litrato. (malamang diba, dahil kung hindi ako ay isang henyo na ngayon).
At marami pang sari-saring libro. Tulad na lamang ng Nancy Drew, Hardy Boys, Sherlock Holmes, Seventeen, Diksyunaryo, Teksbook, Inventions, at marami pang iba.
Ako ay palabasa. Isang batang tunay na kakambal ng libro. Ngunit ng ako ay sampung taon na,sadyang naglaho ng mabilis ang aking katauhang iyon.
Hindi ko alam kung anung nagyari, pinipilit ko siyang tawaging muli ngunit, sa bawat pagbalik niya, siya ay bumibisita lamang.
at NGAYON sa tulong ng espiritu ng kursong HUMANITIES 1., siya ay muling nabubuhay..at sa aking laking gulat maligaya ko siyang tinatanggap at pinapanatili kailanman.
Kaya MARAMING SALAMAT HUM 1!!!